
"Ang gusto ko lang naman ipaglaban mo ako eh. Ang gusto ko gagawin mo ang lahat para sa akin,para sa ating relasyon. Para hindi mawala kung ano mang meron tayo at hindi masayang kung ano man ang nasimulan natin. Akala ko ba kahit anong mangyayari lalaban ka,lalaban tayo. Sinabi mo yan diba? Sinabi mo na walang iwanan at walang bibitaw. Kakayanin natin ang lahat na darating na problema. Ipaglaban mo naman ako oh, Nakakapagod kasing kumapit sa isang bagay o tao lalo na kung nararamdaman nating parang wala lang naman tayo sakanila. Nakakapagod lumaban para isalba ang isang relasyon lalo na kung ako lang naman yung lumalaban,kung ako lang yung gumagawa ng paraan para masalba itong relasyon natin. Mahal mo ako diba? Ipaglaban mo ako." -Brown
0 comments:
Post a Comment