Dear Magandang Babae, Sana ganyan ka palagi, sana hindi mo alam na maganda ka. Para hindi ka yayabang, para hindi ka mang aabuso, sana ganyan ka lang palagi, yung patuloy na kumakausap ng mga normal na tao na tulad namin. Ayun kasi nagpapaganda sa inyo eh, yung hindi niyo alam na maganda kayo. Gets niyo yun? Yung tingin mo eh katulad ka lang rin ng iba, hindi ka maarte, di tulad ng ibang hindi na nga maganda eh sobra pa mag inarte. Nakakatuwa ka kasi sa ka humble lan mo eh lalong tumitindi ang appeal mo, sa simpleng ngiti mo dahil sa nakikipagbiruan ka lang din sa mga lalake eh wala ng makakapantay ng saya ang dulot nito. Basta natutuwa ako sayo magandang babae, cool at game ka lang sa lahat. Sana huwag kang magbago at sigurado akong ikaw na ang pinakamagandang babae sa buong sanlibutan. Nagmamahal, Brown
0 comments:
Post a Comment