Break na tayo.

Halos ilang taon tayong nagsama, ang dami na nating pinagdaanan, pinagsamahan at sinakripisyo. Kung ano ano nang pagsubok, kasiyahan ang nangyari sa relasyon natin, May tampuhan at samaan ng loob pero nalulutas din naman agad, May saya, kilig at mga surpresa, Taon taong pagdidiwang ng ating pagmamahalan, Buwan buwang magkaakibat sa lahat ng nangyayari, Araw-araw na bukambibig ang isat isa, Oras-oras mong pinapatunayan kung gano mo ko kamahal, Minu minuto mong pinapadama kung gano ako kahalaga sayo, at segu segundo mong sinasabi at pinapakita na takot kang mawala ako. Pero anong nangyari, bakit parang nag iba bigla ang ihip ng hangin, bakit parang hindi na ikaw yung ikaw na minahal ko, niloko? hindi kita niloko at hindi kita lolokohin mas maniniwala ka pa ba sa iba kesa sa taong mahal mo at nagmamahal sayo, ano bang gimik to ? Pakulo mo ba to para makawala ka nalang sakin para kunyari ako yung may kasalanan๐ O baka naman joke lang to, sana nga joke nalang kaso sobrang seryoso mo nung sinabi mo to e, Ang sakit lang na sa "tatlong salita" tapos ang lahat, tapos ang kwento, tapos na tayo, Iiwan mo nako, maisasantabi na ang lahat na parang bagong laruan dati na ngayoy pinagsawaan na.
Wala nakong magagawa, tao rin ako napapagod, hindi sa sumusuko na ko pero pra buhatin ko nang mag isa ang isang bakal na alam ko namang di ko kakayin ay isang malaking tanga, kinain mo lahat ng sinabi, binawi mo lahat ng ginawa mo, kaya sige na mahal, maraya ka na. Tanggap ko nang "break na tayo๐"