
Wait lang ah, dumistansya ka muna at hayaang pakinggan lahat ng sasabihin ko. Ikaw pa ba yan? Pakiramdam ko kasi hindi na, wala na. Hindi na katulad ng dati yung pagtrato mo sakin ngayon, Napakalamig(bangkay ba ang minahal ko?) Ang bagal mo nang magreply, Mas pinagtutuunan mo pa ng pansin ang mga barkada mo kesa sakin, Mas mahaba pa yung oras sa letcheng online games na yan na samantalang dati sinasantabi mo kapag sinabi kong kailangan kita. Nasisigawan at nasasabihan mo na ko ng mga masasakit na salita, Hindi mo nga tuwirang sinasabi pero unti unti mong pinaparamdam na nagsasawa ka na. Hindi na ikaw yung (tag your ex or bf) na minahal ko. Wala na, nagbago na, Hindi na ikaw yan. -Asul💙 #hugotbabae
0 comments:
Post a Comment