
Kailangan ba talaga? kasi nangako ka sakin, sabi mo hindi mo ako iiwan, sana di mo nalang sinabi para hindi ako umasa. Di ko alam kung matagal kang mawawala, pero gusto kong masiguradong babalik ka sakin kahit matagal hihintayin ko, hindi ako maiinip basta sabihin mo lang sakin kung babalik ka. PERO KUNG SAKALING IIWAN MO MAN AKO, PWEDE BANG WAG NALANG? Hindi kasi ako sanay ng wala ka sa tabi ko. Ayokong umiyak gabi-gabi at maalala ka sa lahat ng oras. Ayoko na maging malungkot kasi masaya ako kapag mag-kasama tayo. kaya please, wag mo na akong iwan. /Maroon
0 comments:
Post a Comment