Ang daming humihingi ng advice sa pag mo move on. Guys, eto lang yan. Kahit ano pa ang sabihin namin, kung ipagpipilitan nyo pa din gusto nyo wala mangyayari. Humingi ka ng advice sakin, tapos ipipilit mo gusto mo, gusto mo ikaw masunod. Eh ano saysay paghingi mo na yan ng advice? Para naman sinabi mo na, diatabs ang gamot para sa sakit ng ulo. Problema kasi satin, ang gagaling nating humingi ng advice, pero ang titigas ng ulo nating sumunod. Walang kwenta ang advice ng isang kaibigan or nag mamalasakit, kung may sarili kang paniniwala at sarado sa opinion ng iba. Kaya ka nga binibigyan ng advice para maliwanagan ka sa mga dapat at di dapat mong gagawin. Pupush mo naman gusto mo. 😒 Dibale, hindi naman kami ang nasasaktan, sarili mo naman yan. Hintayin mo na lang siguro na mawala pati respeto mo para sa sarili mo. After all, ikaw lang din makakatulong sa problema mo. -Aquamarine 💭
0 comments:
Post a Comment