Para sa mga naka get over na sa pait ng kahapon. 😂 Dear Ex, Kumusta ka na? Ako eto maayos at naka move on na. Kumusta naman kayo nung ipinalit mo sakin? Madami nakapansin sakin, ang laki daw ng inimprove ko. Siguro ganon talaga ang resulta ng nasaktan at nakapag move on, lalong lumalabas ang tunay na ganda. Yung mang aagaw mong girlfriend, kumusta sya? Lamang dagat pa din ba ang itsura? Haaay. Ewan ko ba naman kasi sayo, nasayo na nga kasi ako pinakawalan mo pa. Totoo pala talaga ang kasabihan nila. Na kahit gaano ka kaganda at ka brainy pag malandi ang kalaban, talo ka pa din! Well hindi ko naman yan naging kawalan. Im hoping na mag tagal kayo. At sana wag mo ng gawin sa kanya yung ginawa mo sakin before. Hindi ka naman kasi gwapuhan, pero lintik! Ang kapal ng tinga mong manloko. Hindi ko na din hihilingin pa na makarma ka sa ginawa mo sakin, enough ng patunay sakin yang partner mo ngayon. Paano ba naman, ang way ng standard mo eh from TOP to BOTTOM. From Dyosa to Alipin agad agad! Palagi kang ma iingat okay? Palagi mong isuot yang binili nyang helmet for you. Baka kasi mauntog ka at maisipan mong bumalik sakin. Eh banned ka na sa puso ko. Pagpalain nawa ang kapitbahay nyo. Nagmamahal, Ang all in one mong Exgirlfriend. 😂😂😂😂😂 -Aquamarine 💭
0 comments:
Post a Comment