"Kailan?" Sa twing masasaktan ako yan ang tanong ng lahat! Pati ako yan din ang tanong ko na hanggang ngaun, HINDI KO PA DIN ALAM ANG SAGOT! Love influence me a lot. Sa madaming sitwasyon nko nadala nito. Hindi ko na nga mabilang. Sobrang layo na. Hindi ko na alam ang kung paano bumalik. Kung san ako babalik. Kung kailangan ko pang bumalik. At kung may babalikan pa ako. Isang hakbang na nnman ang nagawa ko palayo. Palayo sa kung ano ba talaga ang tamang kahulugan ng pagibig. Palayo sa kung paano ko sya nakilala. Kung paano ba talaga dapat sya maramdaman. Ang alam ko lang mahal ko sya. At mamahalin ko sya kahit malayo na ako sa tamang kahulugan nito. Mamahalin ko sya hanggang mahanap din nya ang tamang kahulugan nito at kung hindi nya mahanap sakin. Babalik ako sa "KAILAN" at matapang kong sasagutin ng "NGAYON!" Magenta π
0 comments:
Post a Comment