Reader's Confession* College days noong nakilala kita Volleyball player ka pala ako banong varcity player ng pamantasan natin. Unang kita ko palang sayo nagustuhan na kita nagtanong tanong ako sa mga kakilala ko kung anong pangalan mo. Nalaman ko ex ka pala ng tropa ko . Pero nang dahil sa kanya nakilala at nakuha ko pa number mo. Jackpot ! Dahil sobrang hiya ko di kita agad tinex noong araw na kinuha ko number mo sa tropa ko. Mga ilang araw di ko na matiis na di ka itex . Sobrang kilig ko pa nga pag nagrereply ka sakin . At sobra pa akong kinilig noong umamin ka sakin na gusto mo din pala ako. Sobrang saya ng mga lumipas na araw . Naging tayo. Lumipas ang taon na sobrang saya natin. Hanggang sa umabot na sa puntong di natin na mamalayan na samin kana pala nakatira . Oo 1 year ka tumira sa bahay namin. Tumigil kana sa pag aaral kasi tinamad kana gusto mo sa bahay ka lang. Pero pinipilit kita mag aral pero ayaw mona talaga . Hanggang sa nagalit nasakin mga magulang mo kesyo di daw kita pinapauwi kung ano ano sinabi nila sakin masasakit kahit mga magulang ko diko na dinig yung mga ganon salita. (Walang mapapala sayo anak ko kasi tomboy ka lang, di mo siya mabibigyan ng anak) pero di natin pinansin yon kasi sobrang saya natin. Kahit tuwing gabi iniisip ko sa twing magkayakap tayo tumutulo luha ko iniisip ko pano kaya kung iwan nya ko at ipagpalit sa iba. Pano kaya kung hanapin nya yung wala sakin. Opo tomboy lang po ako. Hanggang sa nag katrabaho kayo ni mama . May nakilala kang lalaki. Kaya pala hindi kana nauwi dito sa bahay kasi dun kana natutulog. Kung hindi pa dahil sa pinsan mo di ko malalaman na may boyfriend kana pala. Oo p*nyeta ka pinagsabay mo kami . pinagpaliwang kita sabi mo palabas mo lang yon sa mga magulang mo para mawala yung issue natin at maging ok kana sa kanila. Pero nagagalit ka pag tinetex kita pag tinatawagan kita. Pinagmuka mokong tanga. Oo nagpa ka tanga ako kasi sobrang mahal na mahal kita. Hanggang sa umabot na sa puntong umamin ka na may nangyari sa inyo kasi sabi mo nilasing ka .binechin ka. Pinalagpas ko yon. Ako bumili ng pt (pregnancy test) mo. Nag negative naman . Pero nung kayo na nag pt nag positive. kahit nag positive yon. Tinanggap kita. Mahal na mahal kita e. Ngayon dalawang taon na yung bata masaya naman tayo kahit ayaw pa din sakin ng mga magulang mo. Nag katrabaho ka ulit sa tulong ko. Nung nagkantrabo ka ulit inulit mo na naman . Nag karoon ka ulit ng lalaki pero sa pag kakataon yon ayoko na. Sobra na. Ilang buwan na kayo bago ko malaman na pinagsasabay mo na naman ako pati yung bago mong lalaki. Marami na din tayong napag daanan at sakripisyo pero di mo pinahalagahan yung chance na binigay ko sayo. Lahat binigay ko pero sinayang mo. Salamat sa masasayang araw na kasama ka . Salamat sa 4 years and 2 months . Sorry kasi ako na din ang sumuko kasi hindi ko na talaga kaya. Sorry sa mga pananakit na nagawa ko sayo. Salamat sa pananakit mo mas naging matatag ako. Salamat sa pag mamahal na binigay mo mas naging responsable ako.salamat sa mga oras na mahina ako nanjan ka. Salamat sa walang sawang pag iintindi sakin sa twing may topak ako.Sana mas maging mas masaya ka ngayon kahit alam kong mas mahal mo pa din ako . Mas maging matatag ka sana kasi mag dadalawa na yung baby mo. Be matured enough. Nilunok ko lahat ng pride ko kasi mahal na mahal kita.pero sinayang mo. -Red
0 comments:
Post a Comment