CLASSMATE Tiniis ko ang ilang buwan na hindi mo ko naging girlfriend dahil pareho tayo ng gustong mangyari muna, ang maka graduate. Wala namang kaso sakin dahil magkaklase tayo. Ang saya saya natin. Laging araw araw pagkagising, pagpasok sa school ang saya saya. Ang ayoko lang na part eh yung UWIAN. Ayoko pang umuwi, gusto pa kitang makasama. Pareho tayong nagsisikap. Minsa'y magka kompetensya dahil mas nachachallenge tayo. Pero shempre tulungan. Pag sa klase aral lang. Pero pag labas ng school, mas lumalabas ang nararamdaman natin. Ang dami nating plano. Ang dami nating pangarap. Pero ang hindi ko matanggap, nawala ang lahat sa atin dahil lang din kailangan mong gawin ang bagay na yan para makapagtapos ka. Akala ko ang "uwian" ang pinakamalungkot para sa atin, yun pala ang may makitang may IBA KA NA PALA. Siya na ba ang bagong tumutulong sayo sa mga assignments mo? Siya na ba ang bagong inspirasyon mo? Siya na ba ang tauhan sa pangarap na tayong dalawa ang gumawa? Classmate kita nung umpisa na akala ko matatapos sa pagiging asawa ko. Yun pala CLASSMATE lang talaga. π Story fr: Yanyan Anong masasabi niyo guys? #LAVANDER
0 comments:
Post a Comment