FIRSTBOYFRIEND π 4 months na ang nakakalipas pero di ko parin masabi sa sarili ko na move on na ako. Hirap na hirap ako! Firstboyfriend e, yung tipong mas matagal pa yung pagmu-move on mo kesa sa naging relasyon niyo. Di niya ako masisisi kung bkit hirap na hirap ako, una wala akong pagkukulang halos araw araw tinetext at tinatawagan ko siya, pagtulog at bgo matulog tinetext ko siya para alam nyang matutulog na ako, ganun din sa umaga pag alam kong nauna akong nagising itetext ko siya para naman pag gising niya text ko ang mababasa niya. Kinukulit ko siya sa text at tawag kapag di shya nagtetext, but the BIG BUT! He just taken it for granted! I admit, mali ako! Bakit kasi pumayag pa akong maging girlfriend niya? simple lang, kasi crush na crush ko siya, sino ba namang di matutuwa kapag yung pinaka crush mo magiging boyfriend mo, pero mali pala, akala ko magtatagal kame, akala ko magiging maayos relationship namen. Sa una lang siya magaling at sweet! ISA LANG PALA AKO SA MGA KOLEKSYON AT RESERBA NIYA. -Krztnπ
0 comments:
Post a Comment