i said i was fine, but I never said it didn't hurt I just wanna share this thoughts inside of me, wala kasi akong mapagsabihan. may friends ako pero sawa na akong masabihan ng literal na tanga. I was 5 years old nun. kinder, may bestfriend ako dati sa probinsya namin, mataba,malikot,makulit,matakaw,medyo moreno. na laging kasama ko twing recess, binibigyan ako ng baon, tska ng lapis. sobrang ka vibes ko talaga. natapos ang graduation namin nag grade 1 ako sya naiwan don, mas bata daw sya eh kya repeater. grade 1 hanggang grade 2 lang ako don, umuwi kami ng laguna para don na mag aral. taon taon twing umuuwi kami sa summer. palagi akong nagtatanong sa mga kakilala ko doon kung nasaan na kaya yung bestfriend ko na yun. dko na maalala mukha nya pero. yung pangalan nya tandang tanda ko pa. 2 letters lang nman kasi yun eh. wala akong ibang kilalang naging kaklase ko since kinder hanggang grade 2, sya lang kaya gusto ko sya makita. sabi ng iba, bakla na daw yon. yung iba naman sabi may asawa na. yung iba sabi nagttrabaho na daw sa malayo. that i don't know, until 1 day, may nagchat saakin sa instagram ko. chika chika ng konti. months after sa messenger naman. ganon padin. HI,HELLO. tagasaan ka.ganito ganyan. after some long convos, sinabi ko na hinahanap ko tong taong to na bff ko nung bata pa ako. dinescribe ko ulit sya, ganito ganyan blah blah blah. tinanong nya ako kung anong taon ako graduate nung kinder, san daw ako naggraduate nung kinder. sabi ko naman year 2000, sa likod ng covered court and so on. dun din daw sya graduate kaso twice daw sya ng kinder. year 2000 din sya graduate don. pinakita nya old fotos nya nung bata sya. then the next things that happened really shocks me & the next thing I know. sya yung bestfriend na hinanap ko for 17years. sobrang saya sa feeling. sobra! para kang tumama sa weteng o ano. para kang high. then nun after n nagkaalaman, ngkagusto kmi sa isat isa, nagtaka ko kung bakit iniiwasan nya ko eh alam nman nya onset plang na my 6 years long term bf nko. nagseselos daw sya. pareho kami ng ugali. kapag nasasaktan, lahat ng gusto, mga trip sa buhay, kapag nagmamahal parehong pareho kami. sabi nya sya nalang daw instead of my boyfriend, bigla syang bumitaw sakin. ewan ko kung bakit. I left hanging, thinking of him. nafall nadin ako while I have my man. tumakbo sa isip ko yung mga katagang "Willing akong magtake ng risk, travel ng extra layo, makita, mkasama lang kita at mahalikan mo ko sa noo sabay yapos bestfriend" iiwanan ko lahat para sayo. hanggang di na sya nagparamdam. dumating ang march 23 umuwi na ako. bago ko umuwi ng probinsya nagdasal muna ako kay lord na sign. kapag sya ung unang unang taong makita ko pgbba ko ng ssakyan, may ibig sabihin to. walang contact o ano, pagbba ko ng ssakyan nkta ko n agad sya. dun na nagsimula ang lovestory nmin ni bestfriend.sa kanya ko nransan lahat ng mga bgay na hindi ko naransan sa 6years relationship ko. ihahatid sundo ako sa bahay, kahit tutol ang parents namin na kmi kasi parang yung lola nya at lola ko eh sort of parang long lost cousins padaw na kung hihimayin mo yung relativity ay sobrang layo na, yung taong hindi ako ikakahiyang ipakilala ako sa lahat ng tao na girlfriend nya, hahawakan ang kamay ko habang naglalakad, ikikiss ako sa noo, kahit maraming nakatingin. ugh! sa 7 days ko don para akong nakawalang ibon, sa lahat ng stress at kung ano anong emotional pain, pinaramdam nya lahat, dumating ang araw na aalis nko. nakarating ako ng bahay, nakapgtrabaho. sinasanay ang sarili sa LDR Kasi nga mahal ko. unti unti ko ng nararamdaman na nagiiba na sya. yung bawat sabi nya dati ng baby, padalang na ng padalang, palagi nalang syang nagagalit kahit maliit na bagay. ang ending tuloy kapag ganon ang eksena, ako ngsosorry kahit hindi naman ako ang may kasalanan. nagpatuloy ng ganon, laging ganon, tinuloy ko. tinuloy namin kahit na walang kasiguraduhan kung kailan kmi magkikita. dumating ang araw na kinatatakutan ko, sinabi nya ang mga katagang khit masakit ay gusto kong marining sa kanya kahit nakabibinging pakinggan, ayaw na nya, sawa na sya sa ugali ko, sinusubukan ko syang tawagan sabi nya "stop calling me, its fucking over" . from then on, para akong nabingi, namanhid buong katawan ko. sinusubukan kong umiyak pero walang lumalabas na luha. mas masakit kasi kapag hindi mo naillabas ang sakit. hanggang ngayon. ninanamnam ko pa lahat ng bagay na sinabi nya. nagbago sya. dati rati sinabi nya sakin na sana sya nalang. sana sya nalang. iniwan ko lahat para sa kanya. akala namin porket pareho kami ng ugali ay magiging okay kami. nagkamali pala ako. nagkamali kami. at ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko. umaasang sana hanggang ngayon mahal nya parin ako. umaasang sana dumating yung araw na marealize nya yung mali nya, magsorry skin at sabihing mahal nya ako at mahal nya parin ako. hinihintay ko parin ang chat nya. kahit alam ko na hindi na yun mangyayari pa. hinihintay ako ng ex ko na bumalik sa kanya. yung 6years na karelasyon ko. ayaw ko. kasi si bestfriend ang gusto ko at ang mahal ko. tanga na kung tanga. tanggap ko. diba kapag nagmamahal ka nagiging tanga ka? baby miss na miss na kita. hanggang ngayon ikaw parin. pinipilit kong maging okay sa lahat. hindi nagpopost ng sad faces, sad status sa facebook. pinipilit kong i convince ang sarili ko na okay lang ako, na masaya ako kahit durog durog na ung loob ko. aasa ako ng aasa hanggang dumating na uli ang summer at magkikita kami uli. panghahawakan ko yan. hanggang sa uli baby/bestrfiend. salamat sa pagbasa sa walang kwenta kong lovestory binahagi ko lang kasi puputok na ko kung hindi ko ishare sa iba -banana
0 comments:
Post a Comment