
"May forever naman talaga e. Di lang tayo nag-kasundo" Di tayo nag-kasundo sa mga desisyon. maari ngang hindi tayo para sa isa't isa pero kung pipilitin nating dalawa e mag-kakatuluyan naman tayo. Siguro hindi pa panahon dahil mag-kaiba yung pangarap natin sa buhay. Walang nakakaalam kung anong mang-yayari kinabukasan or sa mga susunod pang araw. Siguro kung napag-usapan natin yung pag-mamahalan natin at kung nag-bigay pa tayo ng oras para intindihin ang isa't isa malamang hindi tayo mag-hihiwalay. Parehas tayong sumuko. Parehas nating kinalimutan yung pangako natin sa isa't isa na WALANG IWANAN. Parehas tayong nag-matigas, parehas tayong napagod, parehas tayong may kasalanan; parehas tayong nag-kamali, parehas tayong nainip at parehas tayong nag-bago. Di ko sisihin ang forever kasi parehas tayong nag-desisyon na mag-hiwalay. Sa tingin ko, kung di man para sakin at para sayo yung forever ko; alam ko sa puso ko minahal kita ng totoo. /Maroon
0 comments:
Post a Comment