Credits: (DLSAU Secret Files) "Makikipagbreak sana ako sa girlfriend ko after ng anniversary namin. Di ko na talaga sya feel eh, nagsasawa na ako sa mga away namin, nagsasawa na ako sa pagiging demanding nya at nagsasawa na ako sa pag-iyak nya na para bang ginagamit nya na lang na way yun para di ko sya iwanan. Paawa effect ba. Aaminin ko, may iba na akong pinopormahan that time, nag-date na kami ng ilang beses at feeling ko talaga gustong gusto ko na sya at naiinlove na ako, lalo na nung nagkiss kami after ko syang ihatid galing sa isa sa mga date namin. Ramdam ko talaga nun yung kilig at sa totoo lang nakakalimutan ko na na may girlfriend pala ako. After ilang days nagising ako kase may umiiyak sa tabi ng kama ko, pagkatingin ko girlfriend ko. Hawak hawak nya yung phone ko, nakita nya yung mga convo namin nung babae ko, naawa ako sa kanya pero wala akong ibang nraramdaman bukod dun kaya ang naisip ko, di ko na talaga sya mahal kaya nag-usap kami nun at sinabi ko sa kanya na gusto ko ng makipagbreak, kaso ayaw nya at nagmamakaawa talaga sya kaya sa huli hinayaan ko na lang sya, sabi ko sa kanya hindi ko sigurado kung mamahalin ko pa ulit sya pero ang sagot lang nya ""magtyatyaga ako hanggang mahalin mo ulit ako. Fastforward sa anniv namin, magkaaway kami that day kaya di ko sya pinapansin actually di ko na din talaga sya gaanong binibigyan ng atensyon, per pag uwi ko sa bahay namin nandoon sya, nakabihis ng maayos pero mukhang pagod. pagdating ko sa kusina nagulat ako kase nagprepare pala sya ng dinner, tapos may mga nakapaligid na lobo sa ilalim ng mesa, mahilig kase sya sa lobo, at may mga regalo sa mismong dining table. Sa totoo lang natuwa ako pakiramdam ko ang gwapo ko at deserve ko lang yun dahil matagal nya na ding pinapasakit yung ulo ko. Pero kahit na ano pang gawin nya, makikipagbreak din ako at paninindigan ko yung babae ko. After ng ilang days, niyaya nya akong magmotel kami sabi nya gusto lang nya akong masolo kaya pumayag ako syempre may nangyare samin, ganun na lang kase trato ko sa kanya 'pangkama' kase naniniwala talaga ako na di ko na sya mahal, kaso habang natutulog kami bigla ko lang naisipan na titigan sya, tinignan ko yung kabuuan nya mula ulo hanggang paa, doon ko lang napansin na sobrang laki na pala ng ipinayat nya at sobrang lungkot ng mukha nya, di ko napansin na umiiyak na pala ako sobrang dinudurog yung puso ko ng nakikita ko. Bigla kong naalala lahat kung saan kami nagsimula, yung gitna at yung nalalapit na pagtatapos kaso bigla kong narealize na ayoko palang matapos to at ayoko palang iwanan yung babaeng totoong mahal ko. Hindi ko alam kung anong klase ng swerte meron ako sa mundo at may girlfriend ako na willing magpakatanga para sakin at ginagawa lahat maging masaya lang ulit yung relasyon namin. Kaya nung araw na yun, nagdecide ako na di ko sya iiwanan at ititigil ko na lhat ng kagaguhan ko, niyakap ko sya ng sobrang higpit that time at paulit ulit na binulong sa kanyang mahal ko sya. Kaya sa mga lalake dyan na nagloloko at may balak magloko sa girlfriend nila, mag isip isip kayo. Try nyong titigan yung girlfriend nyo habang tulog or habang may ginagawa sya, malay nyo may marealize din kayo. Minsan kase akala natin tapos na yung istorya at kailangan mo ng itabi yung libro pero ang totoo pala noon may susunod pang libro at nagsisimula na kayong magsulat ng susunod na mga kabanata sa buhay nyo. At isa pa maniwala kayo sa kasabihan na ""Hindi nagtatagal ang mga bagay na hindi pinaghirapan"" kaya kung yung babae nyo eh yung tipong easy to get at napakadali nyo lang nakuha sa konting landi, hindi yan yung tamang babae para sa inyo, yung tamang babae ay yung marunong maghintay at kinikilala ka bago pumatol sa mga patibong mo, walang babaeng madaling mainlove pero may mga babaeng madaling makuha sa landian at sila yung mga babaeng dapat mong iwasan. " -Red
0 comments:
Post a Comment