An open letter to my EX BOYFRIEND. Bal, babe, mahal, pangs? Pero wait, punas luha muna ko, naiiyak ako e. HAHAHA! De, natutuwa ako! Ang saya na wala na yung sakit na galing sayo, yung sakit na ewan ko kung bakit ko naexperince, siguro dahil nga nagmahal ako. So eto na nga, until now naglalaro parin sa isipan ko kung bakit ako pa? Bakit ako yung nasaktan ng sobra sating dalawa, ako na tong nagmahal lang naman, ako lang naman tong di nagkulang. Umaga, hapon, gabi itetext ka, tatawagan ka, i don't care pero umaasang magrereply ka ng mabilis, yung tipong mapi-feel ko na special talaga ako. Pagpikit at pagdilat ng mata ang Lord at ikaw yung siniSEEK ko. Excited na sa pag gising ko message mo mababasa ko pero first day ko lang naranasan yun, unang araw na naging tayo, pero sakin wala lang tuloy lang. Lahat ginawa ko. Pero you take it all for granted! Oo, you taken it for granted, at ramdam ko yun, ramdam ko na parang wala lang sayo lahat ng ginagawa ko. Sa una okay pa eh, sweet at caring ka pa, pero after a week less padama at text ka na,Inintindi ko yun. Masakit? OO naman! Tinanggap ko kasi nagpapaliwanag ka naman na may ginawa ka, pero habang nagtatagal lalo kong nararamdaman na parang wala na talaga, that's why i broke up with you kasi robrang nasasaktan na ako. SOBRANG SAKIT kase ginawa ko naman lahat diba? Wala akong pagkukulang! Pero bakit? BAKIT di mo ramdam yun? As a boyfriend, diba dapat you're responsible to make me happy, make me feel special, treat me like a princess. Pero ni isa wala akong nafeel dun. Dapat lang naman na umasa akong ng ganun dahil boyfriend kita at hindi kung ano lang. That's why i'm asking WHY? WHY! After all this pain, i realized na hindi mo ko deserve. May right pa para sakin. Sadyang sobrang nasaktan lang ako, dahil hindi mo marealize na IKAW ANG FIRST BOYFRIEND KO, sana manlang chinerish do yun! Alam mong first boyfriend kita pero parang wala lang sayo lahat e, yun pala marami kang babae, marami kang reserba. Sorry ha? Di ko mapantayan kung pano ka nila napasaya. Pero alam kong lahat ginawa ko para sayo. I hope this would be the last. I'm going better now. Wala ng galit sa puso ko dahil sa ginawa mo. Alam kong dadating ang panahon na tatawanan ko nalang lahat ng mga to, lahat ng ginawa ko para sayo. There's a little pain inside while i'm typing this letter for you. But I know after this wala na to. I LOVE YOU for the last time. SEE YOU AGAIN, WHEN I'M BETTER OF WITHOUT YOU! - CG
0 comments:
Post a Comment