minsan... kahit pilit mong isaksak sa isip mo na nakalimutan mo na ang taong naging sanhi ng lahat ng sakit na nararsnasan mo at ang dahilan kung bakit ka lumuluha, hindi mo maitatanggi sa sarili mo na dumarating pa rin sa punto na maiisip mo siya at ang mga magagandang alaala na iniwan niya noong kayo ay masaya pa sa bawat isa... may panghihinayang ka pa rin nararamdaman na sana hindi nalang nauwi ang lahat sa wala, sana kasa-kasama mo pa rin siya at pwede mong mayakap sa sandaling nanghihina ka.. pero minsan, kailangan mo rin ng lakas para bumitaw.. para lumaya, at magparaya.. hindi dahil hindi mo na siya mahal.. hindi dahil sa pagod kana... kundi dahil maiwasan mo yung sakit na dulot ng paglaban nang nag-iisa para sa kanya na kung tutuusin ay hindi naman lumalaban para makasama ka ngunit paano mo bibitawan ang taong ayaw mong mawala sa buhay mo? isang katanungan mahirap sagutin... at kung mabigyang kasagutan man ay mahirap gawin... lalo na sa isang taong lubos na nagmamahal tulad mo.. gayunpaman, kailangan mong magparaya gaano man ito kasakit... wag mong hayaan tuluyan kang malunod sa nakaraan.. wag mo ng dagdagan ang bigat na dinadala mo, wag mong gawing miserable ang buhay mo nang dahil sa taong nag-iwan sayo na bulag sa pagpapahalagang ibinibigay mo.. hindi magiging madali ang pag momove on pero pilitin mo, kayanin mo, tanggapin mo... ganun talaga kailangan mong madapa para matuto kang bumangon ulit.. tandaan mo... kung mayroon mang nagtapos, mayroong din bagong simula palaging may darating na umaga pagkatapos ng mahabang kadiliman, bahaghari pagtila ng malakas na ulan at, pag-asa paglagpas ng isang malaking sakuna.. hindi man sa kanya, maaring sa iba.. kaya huwag kang sumuko sa hamon ng buhay.. magpatuloy ka.. lumaban ka.. at muling bumuo ng bagong simula.. :) -Jon
0 comments:
Post a Comment