Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal ng ganito, yung nasigurado ko sa sarili ko na totoong pagmamahal ito. Di kasi ako ganun kadaling magmahal. Nagkaroon din naman ako ng ilang relasyon sa aking nakaraan, pero hindi naging malalim lahat. Kasi sinubukan ko lang naman yun para lamang maranasan at di ma out of place sa mga kwentuhan. Kaya kahit sila ay nawala parang balewala lang. Matanda lang naman ako sa edad pero napakabata pa ng aking karanasan kung pag-ibig ang pag-uusapan. Kung kailan ko na natagpuan ang taong nasigurado na aking mahal, iningatan ko sya at halos ayaw pakawalan . Kaya naman ibinuhos ko lahat ng pagmamahal na aking makakayanan. Pero kailangan ko din pala syang pakawalan dahil hindi sapat ang aking naibigay para sa kanyang kaligayahan. Masakit pero kailangan basta ang mahalaga ay kami ay nanatiling magkaibigan at yun na lamang ang aking iingatan. Hindi na siguro ako muling iibig pa, ayoko na, dahil di na din nito mababago na sya lamang ang laman ng puso ko. Hahayaan ko na lamang na sya ang huling taong minahal ko,,dahil sya lamang talaga ang taong minahal ko. :) -Jon
0 comments:
Post a Comment