Alam mo yung isa sa masayang part ng relasyon? Yung lambingan niyo. Dun mo kasi mararamdaman yung love eh. Yun bang parang kayong magkaibigan na inlove sa isa’t isa. Magkaibigan na gumagawa ng mga kabaliwan. Iba kasi yung pakiramdam na hindi niyo tinatanggal yung pagiging magkaibigan niyo sa relasyon niyo. Kasi mahalaga yun. Hindi lang basta boyfriend/girlfriend mo siya kundi bestfriend ka rin niya. Dapat handa kang tulungan siya sa mga hirap niya, dapat ikaw yung nagchi-cheer up sa kanya. Dapat ikaw yun sumasakay sa mga trip niya, yung nakakaalam ng mga sikreto niya. At least kung sakaling dumating kayo sa pagkakataong malabo na yung relasyon niyo, masa-save niyo parin yung friendship. Yung pakiramdam na hindi niyo kaya na wala yung isa’t isa, yung lungkot kapag hindi kayo nagkakausap, yun bang hindi mo siya matiis na kahit wala na yung tamis. -Kuya mo Jon Jon.
0 comments:
Post a Comment