Kailangan daw talaga niya ng advice . -berde ππΌππΌππΌππΌππΌππΌππΌ Pahingi naman po advice . Di ko naman gawain to pero ngayon lang talaga ako nagkaganito na halos mabaliw kakaisip kung ano na ba gagawin ko nagkakalabuan na kami ng bf ko . "PAPAKASALAN PA KITA . PROMISE YAN ." Nasa school ako biglang may dumaan na tricycle na may lalaki sa likod . Naka backride siya . Ewan ko ano nangyare sakin pero bigla bumilis tibok ng puso ko. Di ko naman kilala kaya hinayaan kona . Kinagabihan , Pag uwi ko may nag add sakin sa fb . Di ko naman inaccept agad kasi di ko kilala bigla siya nagpm "Hello po. Ako po yung nakita mo kanina sa backride " so ako di ko alam bat nya nalaman name ko "Nakuha ko po sa pinsan ko. Kaklase mo." Pinsan siya ng kaklase ko ❤️❤️❤️ Syempre inaccept ko naman. Di naman ako ganun ka snob sakanya . One time pumunta kami sa comshop kami magkakaklase . Nagchat sakin yung pinsan ng kaklase ko. Sabi niya andun din daw siya sa comshop. Kinukulit nyako hanggang sa mapikon ako . Nagalit ako sakanya kasi chat siya ng chat . Nagsorry siya . Tinanggap ko naman pero di na naulit . Naging malapit loob ko sakanya . Niligawan nyako . Lumipas ilang months na niligawan nyako naging kami November 20, 2014 Sobrang saya namin nun walang problema lagi nyako hinahatid pauwi . Basta sweet kami okay lahat. Around march nagkalabuan nagbreak kami. Ang sakit sa side ko. Hinayaan ko siya kasi dun siya sasaya . Ang last na sinabi niya sa kin nung nagbreak kami "Papakasalan pa kita ****" so yun. Umasa ako sa sinabi niyang yun. Pasukan na , wala na kami. Nakita ko siya umaga kakababa ko lang ng tricycle pero siya pasakay palang. Di ko alam pero ansaya ko na nakita ko siya . Kasi mahal na mahal ko paren siya . Nagkaroon ako ng bf . Nagkaroon din siya . Nagaway kami ng bf ko kasi sinabi ko sakanya na mahal ko pa yung ex ko . Mas okay naman na siguro na sabihin ko ng maaga keysa na maglokohan kami. Nagbreak kami . Around december 30 2015 di ko alam ano pumasok sa utak ko bakit ko kinuha number ng ex ko sa bestfriend ko . Tinext ko siya "Hi❤️ππ" hindi naman siya nagreply aga so hindi ko hinawakan phone ko masyado . Maya maya nagulat ako may missed call na galing sakanya . Tas tumawag ulit siya sinagot ko "Hello? " sabi niya "Sino ka po? Nagtext ka saken kanina eh " Edi syempre di ko alam gagawen ko nataranta ako kaya pinahaba ko usapan di niya paren alam kung sino ako . Nagulat ako sabi niya sa phone " Namiss ko boses mo." Tas speechless ako as in di talaga ako nagsalita . "Kilala na kita"- sabi niya . Tumagal usapan nung nakilala na nyako nagkamustahan kami. Tinanong nya kung ano na rel. status ko. Sinabi ko syempre wala . Tas siya may nililigawan pala . π taga Laguna . Btw taga Cavite nga pala ako tyaka yung ex ko na yan . So ldr sila . One time niyaya ako ng ex ko samahan kodaw siya sa Robinson's . Ayun pag uwi namin naalala ko lahat. Nasa tricycle kami bigla siya sumandal sakin . Tas tinatanong nyako " mahal mo pa ba ako? " ako naman di ko siya sinasagot . Tas bigla nya hinawakan kamay ko "Abby mahal na mahal pa rin kita " tas bigla siyang umiyak . Di ko alam magiging reaksyon ko. Nakakainis kasi bat kelangan pa mangyare yun ? . Mga feb . Nagaya siya na manood ng sine. Pagtapos namin manood bigla nyako tinanong pwede pa ba maging kami ulit . Ako naman syempre mahal na mahal na mahal ko siya tinanggap ko paren siya . naging kami ulit edi okay okay na . Sweet na ulit . Nakakamiss pala no . Ang sarap sa pakiramdam na bumalik yung taong sobrang mahal mo. Kasi umasa talaga ako sa promise namen . Ngayon nagkakalabuan na kami. Ewan ko kung bakit. Eh kung ako tatanungin wala akong makitang dahilan bat nagiging ganto kami. Ayoko na mawala pa ulit siya π Mahal na mahal ko siya . Pakiramdam ko nawawalan na siya ng gana My point is . Bakit ganun? Ganun lang kadali lahat? Dati sobrang mahal na mahal namin isa't isa . Pero bat ngayon parang one sided love na lang? Hahayaan nalang ba namin mawala lahat ng pinagsamahan ng ganun kadali? Ako ayoko hayaan siya na iwan nalang nyako. Kasi siya na talaga yung taong gusto ko makasama hanggang sa pagtanda namin. Sana bumalik kapa sa dati kung paano tayo nagkakilala . Sana maging okay lahat . Sana wag ka mawalan ng gana . Kasi para sakin hanggang ngayon umaasa ako sa pangako natin na hinding-hindi ko bibitawan.. "Papakasalan pa kita ."
0 comments:
Post a Comment