A D V I C E P L E A S E ! Hello po. Please private my name thankyou. Gusto ko lang po humingi ng advice magsisix months na po kame ng boyfriend ko nung una sobrang saya hindi ko nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Panglima sya sa naging mga bf ko po pero sa kanya lang ako nagkaganito sya lang yung sobrang minahal ko kase yung mga dati parang hindi pa ko seryoso sa mga bf ko. Pero ngayon nilegal ko na sa family ko kase sobrang mahal ko po sya. Sa 5 months po madami na kami pinagdaanan. Dahil sa away tampuhan parang onti onti nagbabago hindi ko po alam kung feeling ko lang yon tinatanong ko po kase sya kung nagsasawa na sya saken pero sabe nya hindi daw. Pero feel na feel ko po talaga e kase sa bawat reply nya ibang iba na hindi katulad dati nasasaktan po ko pero hindi nya alam -.- hindi ko sinasabi. Akala nya sya yung umiintindi saken akala nya ako lagi may pagkukulang. Iniintindi ko sya lagi kahit nasasaktan ako hindi ako bumibitaw kase hindi ko kaya mawala sya. Ilang beses na po nya gustong makipaghiwalay pero ayoko po feel ko parang wala na lang ako sa kanya e. Pag nagagalit ako galit din sya ako nalang susuyo wag lang sya magalit saken. Pag gusto ko ng bumitaw payag agad sya hindi katulad ko na halos magmakaawa wag lang iwan. Lahat inintindi ko kase mahal ko sya pero nakakapagod din po diba? gusto ko lang po ng advice kung itutuloy ko pa ba kahit masakit na o iistop ko na kahit masakit, kahit mahirap tanggapin, kahit sobrang mahal na mahal ko sya o napaparanoid lang ako kase sobrang mahal ko sya kung ano ano naiisip ko wag nyo po nalang po ipost to. Thankyou! Alam ko pong mapagkakatiwalaan tong page na to salamat! #HUGOTBABAE
0 comments:
Post a Comment