
Tama na baby. Nasasaktan na ako. Wag ka ng magsayang ng laway mo kaka explain sakin kung sino siya. Tama na lahat ng pag effort mo na lokohin at itago sakin. Matagal kong tinagong di ko alam kasi alam kong magagalit ka at sasabihin mo lang naman ay sorry lang. Handa na akong umalis ka sa buhay ko. Wag mo na ako suyuin dahil nasanay akong hindi mo naman ginagawa. Sa pag talikod ko sayo di na ako lilingon para di ka na rin makita kung nakangiti ka habang palayo ako sayo. Diba ganito yung gusto mo? Yng mawala ako ng tuluyan sa buhay mo? Magiging masaya ka na. Hindi na ako lilingon para di na rin magbago yung isip ko. Wag mo na akong habulin para di mo na makita yung luha ko. Alam kong matagal mo ng napaghandaan tong araw na ito. Ready na akong bitawan ka. Ayoko na baby. Suko na ako. Hindi ko na kaya yung ganito. Bibitawan na kita para di kana mahirapan at mapagod kaka-explain ng lahat. /Maroon
0 comments:
Post a Comment