
Minahal kita ng totoo, walang kulang, sobra pa nga e. Pinagmalaki kita kahit ako, tinatanggi mo. Pinaglaanan kita ng oras kahit na ikaw, walang oras sakin. Inalagaan kita kahit na hindi ko maramdam yung pagmamahal mo. Inayos ko tayo kahit na para sayo walang halaga to. Lumaban ako pero ikaw, ano? Ayun, bumitaw ka. Umayaw ka dahil ang sabi mo pagod ka na. Pinilit kong isalba pero umayaw ka. Tapos ngayon ano, babalik ka? Sorry ha, pero masisisi mo ba ako kung tatanggi ako? Masisisi mo ba ako kung ngayon, sarili ko naman ung iisipin ko? Masisisi mo ba ako kung ni ngiti hindi ko mabigay sayo?
0 comments:
Post a Comment