Pagod nako. Dalawang salita. Dalawang salitang gustong gusto kong sabihin sayo. Ayoko na. Dalawang salita ding gusto gusto kong iparating. Pero bat ganon? dalawang salita lang naman yun pero parang ang hirap banggitin. Bat ung puso ko sinasabi padin na "Kaya ko pa", na "Gusto ko pa", kse mahal ko pa. Kasi baka balang araw, masuklian mo din ako ng pagmamahal kagaya ng pagmamahal ko sayo. Paulit ulit, paulit ulit nlang lahat ng nangyayari saten. Nakakasawa na. Alam mo kseng kapag nagsorry ka, papatawarin kita, alam mo kseng mahal kita kaya kampante ka. Pero ngayon, sarili ko naman iisipin ko. Sarili ko naman mamahalin ko. Kaya kahit mahirap para sakin, kahit sobrang sakit para saken, kakayanin kong sabihing oo mahal kita pero tama na tong kabaliwan nato, pagod nko, ayoko na.

0 comments:
Post a Comment